Wednesday, January 11, 2017

● S I N I N G ●

Ang sining sa Persiya


A Sasanian silver plate featuring a simurgh
Nakakamangha talaga na ganito kaganda ang sining ng mga Persiyano. Ito ay mayroong kakaibang disenyo na nakakapanghalina ng mga tao, lalong lalo na't katulad kong mga turista. Hindi ko akalaing ganito pala kahalaga ang sining para sa kanila sapagkat ito pala ay parte ng kanilang kultura. Mayroon din palang ibang estillo na nakapaloob sa sining ng Persiya, makikita rito ang iba't ibang arkitektura, kuwadro, paghahabi, pagpapalayok, calligraphy at marami pa. Ang Median at Achaemenid ang mga nag-impluwensiya sa mga Persiano pagdating sa mga gawaing ito. Ako'y nagagalak na sila'y natutuwa noong ipinapakita nila, sa aming mga turista, ang kanilang mga magagandang larawan na nakapaskil sa pader na nagpapakita ng kanilang mga kaugalian. Totoong kapansin-pansin ang kagandahan ng Persiya at walang sinuman ang makakapantay dito.