Friday, January 13, 2017

Dito nagsimula ang lahat...

Ang Persiya...


Bandila ng Iran

Ang Iran o Persia ay isang kanluran silangang bansa na matatagpuan sa Timog-Kanlurang Asya na pinapaligiran ng Aserbayan, Armenya, at Turkmenistan sa Hilaga, Pakistan, at Afghanistan sa silangan, Turkiya at Irak sa kanluran.

Kung tutuusin kinausap ako ng aking kaibigan na si Amie upang pumuntang Persiya. Natuwa ako kaagad sa pagkarinig ko pa lang ng salitang "punta" pagkat ako ay mahilig pumunta sa bawat sulok ng mundo. "Cassie, sure ka ba na gusto mo ito?" tanong ng aking mga magulang noong paalis na ako sa Persiya. Alam kong nag-aalala lamang ang mga ito ng dahil mapapalayo pa ako sa kanila, ngunit ginusto ko ito. Gusto kong malaman pa ang iba't ibang kultura, ugali, lugar, at marami pang iba. Nang dumating ako dito sa Persiya ay agad ako binati ng mga ngiti ng mga Persiyano. Mainit ang kanilang pagbisita sa akin. Sana'y matuwa kayo sa aking blog na ito. Pagkat taos puso kong ito na ginawa.

1 comment: