Friday, January 13, 2017

Dito nagsimula ang lahat...

Ang Persiya...


Bandila ng Iran

Ang Iran o Persia ay isang kanluran silangang bansa na matatagpuan sa Timog-Kanlurang Asya na pinapaligiran ng Aserbayan, Armenya, at Turkmenistan sa Hilaga, Pakistan, at Afghanistan sa silangan, Turkiya at Irak sa kanluran.

Kung tutuusin kinausap ako ng aking kaibigan na si Amie upang pumuntang Persiya. Natuwa ako kaagad sa pagkarinig ko pa lang ng salitang "punta" pagkat ako ay mahilig pumunta sa bawat sulok ng mundo. "Cassie, sure ka ba na gusto mo ito?" tanong ng aking mga magulang noong paalis na ako sa Persiya. Alam kong nag-aalala lamang ang mga ito ng dahil mapapalayo pa ako sa kanila, ngunit ginusto ko ito. Gusto kong malaman pa ang iba't ibang kultura, ugali, lugar, at marami pang iba. Nang dumating ako dito sa Persiya ay agad ako binati ng mga ngiti ng mga Persiyano. Mainit ang kanilang pagbisita sa akin. Sana'y matuwa kayo sa aking blog na ito. Pagkat taos puso kong ito na ginawa.

Thursday, January 12, 2017

● M U S I K A ●

Ang musika sa Persiya 




Wow! Matagal palang may mga intrumento ang mga Persiyano, dito daw ang pinakaunangng lugar na mayroon ito, ito ay noong nakaraang 3rd Millenium BC. Ang kanilang unang nagamit na instrumento ay ang alpa o harp. Isang uri ng musika sa Persiya ay ang Sassanid music. Mayroong mga pinatunog ang aking mga nakakilala ng iba't ibang tradisyunal na instrumento tulad nang: saz, persian tar, azerbaijanu tar, dotar, setar, komanche, barbat at marami pang iba. Nakalulugod makinig ng mga musika ng Persiya, pagkat randam mo na kasama ka sa kanilang kultura at musika at parang gusto mo na lamang sumayaw sa tono.

● L I T E R A T U R A ●

Ang literatura sa Persiya

Kelileh va Demneh Persian

"Ang galing!" iyon na lamang ang nasabi ko noong nagbabasa ako ng isang tula na galing sa pinakakilalang may-akda na si Khayyám Ney-Shapuri. Marami pang mahuhusay na manunulat na galing sa bansang Persiya. Ang tula, sa kanila, ay tinaguriang "classical works". Ang mga literatura ng mga Persiyano ay kumalat na sa buong mundo at lalong mas naging kilala. Mayroon ding mga manunulat na nagkakaroon ng inspirasyon galing sa kanilang mga literatura, isa na rito ay si Johann Wolfgang von Goethe. Masasabi mo talaga na ganoon kagaling sa pag-iimpluwensiya ang mga Persiyano, base pa lamang sa kanilang mga panitikan na sumikat sa iba't ibang sulok ng mundo.



[ Isa sa mga tula ni Khayyám: ]
"The Moving Finger writes; and, having writ,


 Moves on: nor all thy Piety nor Wit,

Shall lure it back to cancel half a Line,
 Nor all thy Tears wash out a Word of it.

But helpless pieces in the game He plays,


 Upon this chequer-board of Nights and Days,

He hither and thither moves, and checks… and slays,
 Then one by one, back in the Closet lays.

And, as the Cock crew, those who stood before


 The Tavern shouted— “Open then the Door!

You know how little time we have to stay,
 And once departed, may return no more.”

A Book of Verses underneath the Bough,


 A Jug of Wine, a Loaf of Bread—and Thou,

Beside me singing in the Wilderness,
 And oh, Wilderness is Paradise enow.

Myself when young did eagerly frequent


 Doctor and Saint, and heard great Argument

About it and about: but evermore
 Came out of the same Door as in I went.

With them the Seed of Wisdom did I sow,


 And with my own hand labour’d it to grow:

And this was all the Harvest that I reap’d—
 “I came like Water, and like Wind I go.”

Into this Universe, and why not knowing,


 Nor whence, like Water willy-nilly flowing:

And out of it, as Wind along the Waste,
 I know not whither, willy-nilly blowing.

And that inverted Bowl we call The Sky,


 Whereunder crawling coop’t we live and die,

Lift not thy hands to It for help—for It
 Rolls impotently on as Thou or I.

I sent my Soul through the Invisible,


 Some letter of that After-life to spell:

And by and by my Soul return'd to me,
 And answer'd "I Myself am Heav'n and Hell:"

● P A N I N I W A L A ●

Ang paniniwala ng mga Persiyano

Si Taurvi at si Zairicha

Ibang-iba ang paniniwala ng mga Pilipino sa mga Persiyano. Nakakaloko mang isipin ngunit mayroong mga pinaniniwalaang mitolohiya itong mga Persiyano. Mayroon itong mga Persian Folklore at storya, kung saan ito at kinapapalooban ng mga hindi pangkaraniwang tao. Kung tutuusin, hindi talaga ito kapanipaniwala. Ang aking magiting na kaibigan, si Frederiko, ay naghanap ng mga sagot patungkol sa mga misteryosong paniniwala na ito. Nagkaroon man kami nang mga ideya ngunit walang sinuman ang nagkwento tungkol rito. "Di nga?", iyon na din lamang ang nasasabi ng aking mga kaibigan noong ikunukwento ko ang tungkol sa mitolohiya nina Taurvi at Zairicha. Ngunit hanga padin ako rito sa paniniwala ng mga Persiyano pagkat ito ay kakaiba at iyon ang bumubuo ng kanilang bansa ngayon. 

Wednesday, January 11, 2017

● S I N I N G ●

Ang sining sa Persiya


A Sasanian silver plate featuring a simurgh
Nakakamangha talaga na ganito kaganda ang sining ng mga Persiyano. Ito ay mayroong kakaibang disenyo na nakakapanghalina ng mga tao, lalong lalo na't katulad kong mga turista. Hindi ko akalaing ganito pala kahalaga ang sining para sa kanila sapagkat ito pala ay parte ng kanilang kultura. Mayroon din palang ibang estillo na nakapaloob sa sining ng Persiya, makikita rito ang iba't ibang arkitektura, kuwadro, paghahabi, pagpapalayok, calligraphy at marami pa. Ang Median at Achaemenid ang mga nag-impluwensiya sa mga Persiano pagdating sa mga gawaing ito. Ako'y nagagalak na sila'y natutuwa noong ipinapakita nila, sa aming mga turista, ang kanilang mga magagandang larawan na nakapaskil sa pader na nagpapakita ng kanilang mga kaugalian. Totoong kapansin-pansin ang kagandahan ng Persiya at walang sinuman ang makakapantay dito.